BBS Feat. NEY, DELLO & KLEGGY - Darating (Official Music Video)

submitted by Reyreyreys Tv on 09/23/18 1

New single from BBS Feat. NEY, DELLO & KLEGGY. Subscribe to the channel! bit.ly/1D2sOZS Available for digital download at MyMusicStore: www.mymusicstore.com.ph/music/552239/Darating.html LYRICS: Chorus: Kung kailangan mo ng kausap, kung kailangan mo ng karamay, Kung kailangan mo ako... darating... darating. pinulot sa mesa ang baba, umapaw sa luha at nagbaha, hindi makontento may hindi na kontento kaya ngayon sayad ako sa lupa. Teka lang, ngayon parang di na yata yung ikaw? Na matibay ang loob at di basta bumibitaw? Nasaan ang isipan bakit para bang naliligaw, Bakit ganyan ka mag isip, tila manggang nahihilaw, Kase maasim, Maasim ang kinakasadlakan? Mga balakid sa daan parang di na malagpasan, Ngayon wala na akong pera, wala pa rin trabaho, Walang pinagbabago, at tila pasan pasan, Mga problema, alam ko na kung minsan patong patong, Na para bang bagyo na humampas sa barong barong, Pero dapat ay bumangon, pag ikaw ay nadapa, Pero bumangon man ako... wala pa rin magagawa... Kung kailangan mo ng kausap, kung kailangan mo ng karamay, Kung kailangan mo ako... darating... darating. ll Alam mo, di lang ikaw ang may mga dalahin, May pagsubok man sayo, meron din para sa akin, Sa amin, sa kanila, at kung kani-kanino, Walang hindi namomroblema, kahit na sino, Madali lang yan sabihin, mahirap na gawin. May bagay na di makuha kahit pilit tyagain, Parang babaeng niligawan, aagawin ang pansin, Pero sa bandang huli baliwala parin. Anung klaseng dahilan yan at parang baluktot, Parang sinabi mong habang-buhay ka ng malungkot, Kung mangangarap, akyat ka lang hanggang sa tuktok, Para bumaon ang pako dapat may pumukpok, Ginagawa naman lahat, pero bakit sumasablay, Sa agos ng buhay na pilit sumasabay, Wag mawalan ng pagasa, marami ang gumagabay,. Dapat lalong tumatapang habang ika'y umaaray. Chorus: Kung kailangan mo ng kausap, kung kailangan mo ng karamay, Kung kailangan mo ako... darating... darating. lll At kung di ka kumbinsido, eto makinig ka, Dapat tibayan ang loob kapag ika'y nakidigma, Marami ang mga pagsubok, hahamunin ang tigas, Dapat magpakatatag, para hanguin ang bigas, Na dati'y palay, mula sa palad ng magsasaka, Bawat butil, sa bukid, hindi dapat magpabaya, Ang ugali ng pinoy, kahit may nagpapakaba, Nakukuha pang ngumiti, kung minsan nagpapatawa, Sana makuha ang punto, na hindi yan ang wakas, Gamitin mo ang iyong puso at natitirang lakas, Laging may hamon bawat bukas, ulan ma kahit malakas, Tandaan mo lang palagi na may langit sa taas, Wag ka lamang mag alangan, manatili kang palaban, I-isa lang ang mundo na ating ginagalawan, May pag asang nakalaan, nasa iyo ang paraan, Maglakbay ng diretso kahit maputik sa daan,

Leave a comment

Be the first to comment

Be the first to
collect this video
cover photo
Email
Message
×
Embed video on a website or blog
Width
px
Height
px
×
Join Huzzaz
Start collecting all your favorite videos
×
Log in
Join Huzzaz

facebook login
×
Retrieve username and password
Name
Enter your email address to retrieve your username and password
(Check your spam folder if you don't find it in your inbox)

×